Si Patience Valdez ay isang not-so-happy 30 year old woman na may 3-year boyfriend at di-ganoon ka-ayos na trabaho. Alam niyang hindi niya mahal ang boyfriend niya at hindi siya masaya sa trabaho niya. Sa tingin niya ay may kulang sa buhay niya. May puwang ang bawat araw niya. At alam niya din kung sino ang kulang na ito. Ito ay ang teen-age puppy love niya. Her life, her one true love. Her love that got away. Masaya sila noong taong 2003. Sabay silang bumuo ng mga makukulay at unforgettable memories. Si Ryd ay naging kaaway niya, matalik na kaibigan, food buddy at study-buddy. Naging sobrang attach siya sa lalaki. At nalaman din niyang gusto siya nito. Pero isang araw ay bigla nalang nag-laho si Ryd. Nawala ito nang walang paalam at bumalik after fifteen years. FIFTEEN LONG YEARS.