Ang hindi nakatutuwang pakiramdam ng pagkabagot na bumalot sa buong pagkatao ni Lucifer ang nagtulak sa kaniya na umalis nang panandalian sa impyerno at magtungo sa mundo ng mga mortal. Wala siyang balak maghasik ng lagim o kasamaan, gusto lamang niyang magpahinga, magliwaliw, malayo sa mga hinagpis ng mga pinarurusahang kaluluwa sa kaniyang kaharian.