Ang lovestory namin, parang eksena lang sa jeepney.
Yung tipong gahol ka na sa oras kaya napagtripan mo na lang na sumakay.
Pero, trip-trip man 'yun, hindi mo pa rin alam kung anong eksena ang madaratnan mo sa loob.
Yung tipong kapag humarurot na yung jeep, hindi mo na alam kung saan ka kakapit 'wag lang mahulog.
Minsan may mga hinihintuan yung jeep, pero hindi sumasakay.
At minsan may mga gustong sumakay na hindi hinihintuan.
Nakakalungkot lang isipin kasi hindi natin alam kung saan tayo hihinto at kung saan magpapatuloy.
Bumunusina, pume-preno... ganyan lang tayo.
Pumapara, sumasakay... ganyan lang ang takbo ng kwento.
Pero kailan ba titigil ang biyahe't bababa tayo?
Sino ang mauuna sa ating pumara?
Makapunta kaya tayo sa ating patutunguhan?
O baka nama'y may isa sa ating tumigil nalang basta-basta sa daanan?
JEEPNEY (One Shot)
By: pen_cillAll Rights Reserved