Teaser: "You are my beautiful hello but my hardest goodbye, that's why the next time we meet you are just a history of my hardest sorrow. Now, I am finally letting you go". puno ng luha ang mga mata ni Zayn habang sinasambit niya ang mga katagang ito. Hanggang ngayon kasi hindi parin niya lubos maisip na dumating na sila sa rurok ng kanilang pagmamahalan na kung saan kailangan na nilang pakawalan ang isa't isa. Bakit nga ba? Hindi ba pwedeng ipagpatuloy nalang nila ang kanilang nasimulan? Hindi ba pwedeng dugtungan nalang ang pagmamahalan? Pero lahat ng iyon ay nasa isip lang niya, hindi niya iyon kayang banggitin kay Ariz dahil simula't sapol naman alam na niya talaga na darating ang araw na ito. Talagang hindi lang niya maiwasan na maging malungkot. . "Goodbye! " she finally said before she turns her body in his opposite direction.