Story cover for Mga Bulaklak Para Kay Milagros by gwynesdfghjkl
Mga Bulaklak Para Kay Milagros
  • WpView
    Reads 75
  • WpVote
    Votes 6
  • WpPart
    Parts 7
  • WpView
    Reads 75
  • WpVote
    Votes 6
  • WpPart
    Parts 7
Ongoing, First published Sep 14, 2018
Filipinas 1916


Dise nuebe años na si Milagros Diwa at bakas sa kaniyang mukha ang ganda ng purong Filipina. 

Pantay at kayumanggi ang balat ni Milagros, bilugan ang mga mata, medyo makapal ang kulay rosas na labi at taglay ang nakakahumaling na ngiti. 

Ngunit sa murang edad ay nagsimula na itong magbanat ng  buto dahil sa hirap ng buhay at dahil na rin sa kapabayaan ng kaniyang amang nahilig sa bisyo't alak. Tumalikod na sa mundo ang kaniyang ina na si Clara kaya siya na rin ang nag-aruga sa apat niya pang kapatid, lalo na kay Dolores na sakitin.

Nanilbihan bilang lavandera, naging tagalako ng bibingka, naging mananahi at nagtrabaho sa panciteria, lahat ng iyon ay pinagdaanan na ni Milagros para lang hindi sila magdildil ng asin. 

Ngunit habang naninilbihan si Milagros sa panciteria sa bayan ay nakilala niya ang pasaway na binatilyong si Valentin "Enteng" Ursua. Nabighani si Enteng sa taglay na kagandahan ni Milagros. 

Tinanong niya ito kung ano ang paboritong bulaklak para sa gayon ay mabigay niya ang bulakak na ito. Hindi sinabi ni Milagros kung ano nga ba ang paborito niyang bulaklak, sa halip ay nginitian niya lamang si Enteng. Mausisa si Enteng at likas na mapilit. Kaya araw-araw niyang dinadalaw at kinukulit si Milagros sa panciteriang pinagtatrabahuhan. Bawat araw ay may dala itong isang uri ng bulaklak. Sa unang araw ay dinalhan niya ito ng rosas ngunit nabigo siya. Hindi nagpatinag agad si Enteng kaya kung anu-ano pang bulakak ang dinala niya sa mga sumunod na araw. At dahil tipong Maria Clara si Milagros ay hindi niya ipinahalatang nahuhulog na rin siya kay Enteng.
All Rights Reserved
Sign up to add Mga Bulaklak Para Kay Milagros to your library and receive updates
or
#78philippinehistory
Content Guidelines
You may also like
Para Las Filipinas: Unang Bahagi  by DaveHersonElas21
20 parts Complete
Nais lamang niyang makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang ama, ngunit sa panahon ng kolonisasyong Espanya sa Pilipinas kung saan sa panahong nabubuhay siya, sinabi nila na ang hustisya ay para lamang sa mga mayayaman. Naganap sa isang mundong mas may pribilehiyo sa pag-aaral ang mga kababaihan, Pilipinas taong 1885. Sumusunod ang kuwento sa labing walong taong gulang na si Clarita Abellana, ang nag-iisang anak na babae ng isang mayamang Peninsulares na si Joselito Abellana, na naninirahan sa Pilipinas na kasalukuyang kolonya ng Espanya. Nagsimula siyang dumalo sa isang seminaryo para sa mga kababaihan sa Cabanatuan, Nueva Ecija kung saan siya ay mahusay sa kaniyang pag-aaral at mahal na mahal ng marami sa kanyang mga kaibigan at kamag-aral. Naganap ang trahedya nang pumanaw ang ama ni Clarita at nalugi ang kanyang pamilya, naiwan siyang maging mahirap na ulila. Hinimok siya palayo sa seminaryo, nagugutom, sa kalungkutan, at humihingi ng hustisya para sa biglaang kamatayan ng kanyang ama na hindi man lamang naipaliwanag nang maayos sa kaniya. Isang binatang nagngangalang Eduardo Reguyal, ang kaniyang dating tagapag-maneho ng karwahe, ang tumulong sa kaniya na maging isang katulong sa isang hindi kilalang panciteria na pagmamay-ari ng pamilya nito. Upang makuha ang hustisya na nais niyang makamit, sumali siya sa isang espesyal na samahan ng mga manunulat kasama si Eduardo na tinawag na "Los Illustrados de las Filipinas", at ginawa siya nitong isang Illustrada na nagsusulat ng mga artikulo at panitikan na kinukutya at inaatake ang gobyerno ng Espanya. Ang kuwentong ito ay ipinamumulat sa mga mambabasa ang tunay na kahulugan ng tiwala, pamilya, at pag-ibig. Samahan natin sila sa kanilang paglalakbay upang makamit ang hustisya at kalayaan, atin nang buksan ang kanilang kuwento. Started: May 02, 2021 Finished: July 27, 2021
You may also like
Slide 1 of 9
Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series ) cover
Anak ng Kalikasan (Vol 1, Completed) cover
A Century Away From You cover
Diferente Caras de Amor cover
Para Las Filipinas: Unang Bahagi  cover
Sixty-Fifth Wish of the Old Maiden cover
Sa Lilim ng Hacienda Dalisay cover
SAVING DR. JOSE RIZAL (Completed) cover
When Present Meets The Past(COMPLETED) cover

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )

45 parts Complete

" Mangingibabaw man ang unang pag-ibig, matatabunan parin ito ng tunay na pagmamahal." . . Sa mundo ng pag-ibig, di akalain ni Sebastian Navarro na magugunaw ang kanyang binuong mundo. Sobrang nagdadalamhati ang binata sa pagkawala ng kanyang sinasambang sinisinta. Nalusaw ang dating maaliwalas na kulay ng kanyang mukha. Na ang mga pangarap biglang naglaho. At ang mga binitawang mga pangako ngayo'y naging pako. . "Di ka man lang nagpaalam sinta. Paano na ako ngayong wala ka na?" . Sa kanyang pagkalugmok sa kalungkutan, muling nagparamdam ang binibining babago sa kanyang pananaw tungkol sa pag-ibig. Siya yung tipong akala mo mahinhin pero di mo akalaing walang sasantuhin.. Siya na kaya ang babago sa Patay na buhay na si Baste? .... Hola! Ang mga tauhan, lugar at mg pangyayari sa kwentong ito ay kathang isip lamang.