Okayy ahmmm Sisimulang kona ako po pala yung tipong lalaki na NAGMAHAL NASAKTAN JOKE LANG. hahaha!! Sa mga nagmamahal dyan wag kayong magugulat kung masasaktan kayo.
SPOKEN WORD POETRY
(TAGALOG)
"DITO NALANG TAYO"
Ni:ENOBISHISCHRIL
Dito nalang tayo
Dito nalang tayo kung saan walang ilangan,
Dito nalang tayo kung saan hindi tayo mahihirapan,
Sa kung saan malabo tayong mag'away at magkatampuhan,
Dito nalang tayo sa magkaibigan lang.
Dito muna tayo sa magkaibigan lang,
Para malayo tayo sa sakitan at hiwalayan,
Dito muna tayo sa magkaibigan lang,
Hanggang sa maging buo at totoo na ang nararamdaman.
Dito muna tayo sa magkaibigan lang,
Hanggang sa kaya mo na ding lumaban,
Hanggang sa maging sigurado ka na,
Hanggang sa maging handa ka na.
Tigilan muna natin mahal,
Hanggat maaga pa,
Hanggat wala pang nawawasak na pagsasama,
Hanggat kaya pang ibalik sa simula,
At magpanggap nalang na walang namagitan.
Tigilan muna natin ang malanding ugnayan sating pagitan,
Dito muna tayo sa magkaibigan lang,
Hanggang sa wala ng pagdududang babalot sa isa't isa,
Hanggang sa maghilom ang bawat sugat dulot ng nakaraan,
Hanggang sa kaya na nating sumabay sa pasalungat na ikot ng mundo sating dalawa. Dito nalang muna tayo hanggat wala pang kasiguraduhan.
Dito nalang muna tayo sa kung saan mukha tayong gago,
Kinikilig sa di totoo,
Naniniwala sa mga palabas mo,
Dito nalang tayo kasi alam kong malabong maging tayo,
Kasi kahit kailan hindi naman talaga ako ang gusto mo
Muling tangkilikin ang pinakabagong bersyon ng Ang Mutya ng Section E! Ipapalabas na ito bilang series sa Jan 3, 2025 exclusively sa Viva One app.
***
Nang lumipat si Jasper Jean Mariano sa HVIS, nangako siyang lalayo na siya sa gulo at gagawin niya ang lahat para maging normal ang high school life niya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, napunta siya sa Section E kung saan siya ang nag-iisang babae sa klase. Simula pa lang ng taon, puro kahihiyan at sakit na ng ulo ang inabot niya. Ngayong napaliligiran siya ng mga kaklaseng habulin ng gulo, naiipit si Jay-jay sa sitwasyon. Kakayanin pa rin ba niyang maging normal at makalayo sa pakikipagbasag-ulo kung unti-unti nang nauubos ang pasensya niya? O pipiliin ba niyang sumama na rin sa gulo kung kapalit naman nito ang kaligtasan ng mga kaibigan niya?