My Foreign Love Presents is a compilation of different stories about how love can conquer language barrier and cultural differences with a twist. 1. My Foreign Love Presents : Stranded On You (Languages: English and Cebuano) - Si Liam Sanders ay isang New Yorker na sumusubok na buhayin ang kaniyang karera sa pagsusulat. Nagbakasyon sa isla ng Siquijor sa Pilipinas at umaasang magkaroon ng magandang ideya at inspirasyon para sa kaniyang artikulo. Napadpad siya sa isla dahil sa aksidente na nagdulot ng amnesia. Sa kalagitnaan ng kaniyang munting pakikipagsapalaran, natagpuan niya ang pag-ibig sa hindi inaasahang paraan. Ngunit, maaari bang manalo ang pag-ibig laban sa katotohanan tungkol sa kaniyang totoong pagkatao? 2. Teacher Of Love [ 사랑의 선생] - Languages: English, Korean and Tagalog) - Si Hae Ra na isang mayamang tagapagmana ay desperado mahanap ang kaniyang Mr Right dahil ipinagkasundo siyang ikasal sa isang taong hindi niya mahal. At nang makilala niya ang kaniyang bagong online English teacher na si Joseph, naramdaman niya agad ang spark. Nagpanggap siyang magpakamatay upang kumpirmahin kung ito ba ay may kaunting pangtingin sa kaniya at nagtagumpay naman siya. Pareho nilang gusto ang isa't-isa, kaya lang libo't libong milya ang layo nila sa isa't-isa. Gayunma'y hindi handlang ang distansiya sa dalawang nagmamahalan, sapagkat bumiyahe si Joseph sa South Korea upang makilala siya nang personal. Habang nasiyahan silang magkakasama, may nagtangkang pumatay sa kanila. Bukod pa diyan, tutol sa kanila ang mata-pobreng ama ni Hae Ra. Maaari kayang manaig ang pag-ibig sa gitna ng panganib? Maaari bang magtagumpay ang pag-ibig sa kabila ng agwat nila sa buhay? Photo : Credits to Asad Photo on Pexels (Royalty Free Photos)
Detail lengkap