Sa panahong Espanyol ang namumuno sa ating bansa, si Rosella Montenegro ay isang matandang dalaga na isinilang noong 1875 maraming nag-tataka kung bakit wala itong asawa sa ganda ba naman ito na halos gustuhin na siya ng mga kabataan noon. Mala-anghel ang mukha nito na namana niya sa kanyang ina kaya naituring siya bilang Anghel De Rosella sa kanilang lugar. Sa kaarawan niya, Setyembre 2, 1940 ay humiling ito na sana siya'y makabalik sa panahong 1895 kung saan siya ay bente-anyos pa lamang. Sa pag-balik niya ay hindi inaasahan ang pagkakataon na magkakakilala sila ng Prinsipe Jeronimo Marco de Cuevez, na nakakabighani rin ang kakisigan. Ngunit hindi rin inaasahan ni Rosella ang mga sikreto ng pamilya Cuevez at ng nayon na hindi niya nalaman noon. Halina't samahan natin ang mala-nobelang pag-lalakbay ni Rosella at matuklasan ang lahat sa panahong 1895.