Sa panahon ngayon marami ng posible sa mundo. Maraming nagiging "trending" . Kahit trip trip lang, tipong mababaw lang ang dahilan para gawin ang mga tinatawag na challenges. At karamihan ng mga gumagawa ng tinatawag na challenges ay mga kabataan. Si Jasmine Aragon 24 years old at bunso sa tatlong magkakapatid. Nag iisa lang siyang babae kaya sunod sa luho. Isa si Jasmine o Jas kung tawagin ng mga malalapit niyang mga kaibigan sa school niya at maging sa social media. Sikat siyang youtuber at mayroong higit kumulang na kalahating milyon na subcribers sa channel niya. At sa sobrang pagkakahumaling niya sa mga challenges na napapanuod niya sa ibang youtubers ay may nag iisang nakakuha ng atensyon niya. At yun ang naging simula ng kanyang bangungot. Isa lang ang alam niyang makakatulong sa kanya, walang iba kundi si Mateo Hernandez. Kilalang kilala ito sa buong school nila na computer nerd. Wala itong kaibigan ni isa sa kanilang eskwelahan, lagi lang itong nakatutok sa laptop niya. Minsan naiisip na nga lang ng mga tao sa paligid nito na isa itong alien na napunta sa earth. Ni walang nakaka alam kung asan o kung sino ang kanyang magulang dahil never pa tumuntong sa eskwelahan ang mga magulang nito. Ang alam lang nila ay wala itong kapatid at para laging nasa ibang dimensyon ang pag iisip. Makakatulong kaya sa kanya si Mateo o mas dadami pa ang mapapahamak dahil nagdagdag pa siya ng taong masasangkot sa bangungot na sinimulan niya?