Prologue :
Minsan may mga bagay tayo na hindi maintindihan lalo na kung ito'y talagang misteryoso . May mga bagay din na di natin alam kung talaga ngang nageexist sila sa mundong ating gingalawan . Oo , aminin na natin na tayo'y sadyang makulit at gustong alamin ang lahat ng bagay kahit na hindi natin alam kung ano ang mangyayari .
May mga nilalang na tayong nagagambala sa ating sobrang pagiging mausig . Itong kwentong ito ay tungkol sa mga magkakaibigan na walang pakialam anuman ang kanilang mabangga , masagi at magising sa kanilang pagiging maingay . Tuklasin natin ang mundo ng DI ORDINARYONG NILALANG .
10 Kapitel Abgeschlossene Geschichte Erwachseneninhalt
10 Kapitel
Abgeschlossene Geschichte
Erwachseneninhalt
Sa mundo ng dilim at liwanag, saan ka papanig?
Sa tahimik na mundo ng mga mortal, isang nakatagong realidad ang umiiral mga nilalang na hindi kayang abutin ng mata: Aswang na nagkukubli sa gabi, Malignong naglalakad sa anino, Sirenang kumakanta ng pang-akit, Tikbalang na nagtatago sa kagubatan, Duwendeng nagtatago sa lupa, Diwatang nagbabantay ng kalikasan, at mga Halimaw na nagdadala ng lagim.
Ngunit ang katahimikang ito ay yayanigin ng muling pagbabalik ni Apo Bugtawi, ang makapangyarihang diyos ng kadiliman na naglalayong pag-isahin ang mundo ng mga tao at mga nilalang. Ang digmaan ng dalawa ay minsang napigilan ng diyosang si Maria Sinukuan, na isinakripisyo ang lahat upang maikulong si Apo Bugtawi at ang kanyang hukbo sa loob ng isang sagradong libro.
Makalipas ang maraming taon, ang librong ito ay natagpuan sa hindi inaasahang pagkakataon sa basurahan ng isang ordinaryong batang nagngangalang Tonyo. Ngunit si Tonyo ay hindi basta-basta. Siya ang itinakda, ang magbabalik ng balanse sa dalawang mundo, at ang tagapamagitan ng sangkatauhan sa mga nilalang ng dilim. Sa kanyang kamay nakasalalay ang kapalaran ng mortal na mundo.
Handa na ba si Tonyo sa misyon niyang harapin ang nagbabadyang kadiliman? Ano ang kapalit ng kapayapaang hinahangad niya?