Si Tiffany ay galing sa mayamang pamilya. Siya ay isang simpleng babae lamang. Siya ay matalino at masiyahin. Magaling syang sumayaw at kumanta. Si Louie Rae ay galing din sa mayamang pamilya. Pamilya nya ang may-ari ng Gwangmin University. Magaling din sya sumayaw at kumanta. Wala syang paki-alam sa grades nya, puro cutting, basagulero, walang paki-alam kung napapahiya na yung mga magulang nya dahil sa mga ginagawa nya. Paano kung paglaruan sila ng tadhana? Makikipaglaro ba sila? O hindi na lang nila papansinin para hindi na lumala yung pakikipaglaro ni tadhana? Tignan natin!