Maganda, edukada, at galing sa marangyang pamilya-ganyan ipaliwanag ang katangian na mayroon si Era, kaya hindi maitatanggi na halos lahat ng kalalakihang makakita at makakilala sa kaniya ay magugustuhan siya. Ngunit nang dumating sa buhay niya ang lalaking nagngangalang Allen Stefano ay nawala ang mundong itinituring niyang malaya. Magawa pa kaya niyang sabihin na "Kinamumuhian kita!" sa taong nagbilanggo sa kanya kapag nakasama niya ito sa isang bubong? O kusa na lang itong mapapalitan ng mga katagang "Mahal Kita."?