May mga bagay sa mundo na sadyang hindi maipaliwanag, katulad nalang ng isang dalagang nagising at walang maalala. Bukod sa nawawalang memorya hindi siya nakikita ng mga tao sa paligid. Noong una ay hindi maunaawaan ang halaga niya sa lugar na iyon hanggang sa may isang lalaki ang nakapagsabi kung ano siya at ang maari niyang gawin kung paano bumalik ang kaniyang memorya. Dito nagsimula magkaroon ng katanungan sa kaniyang isipan na magiging dahilan para matuklasan niya ang sekreto ng kaniyang pagkamatay. Isa lang ang kaniyang gusto noong una at ito ay ang matahimik na ang kaluluwa niya ngunit nanaisihin pa kayang umalis o iwan ang lalaking nagturo sa kaniya ng pagmamahal? Gayong multo na ang dalaga?