Pinangako nya sakin na babalikan nya ako pero bat hanggang ngayon wala pa din sya ang tagal tagal ko nang naghihintay sa kanya, na halos araw araw bisitahin ko na sya sa bahay nila para masigurado na bumalik na ba sya o wala? Pero Halos 6 Na Buwan nakong naghihintay sa kanya kasi hanggang ngayon pinanghahawakan ko padin yung pangako nya sakin na Babalikan nya ako. Kaya Hanggang Ngayon Umaasa padin ako na babalik sya. Nangako kasi sya e? Na babalikan nya ako kaya hindi nyoko masisisi kung bakit ganito ang kinahahantungan ko sa ngayon. Wala nakong ibang ginawa sa bahay kundi ang Umiyak At Magluksa. Matagal na kasi akong nangulila sa kanya, Matagal nakong umaasa na babalik sya. At alam nyo kung ano ang pinaka masaklap ang malaman mo. Na sa pagbabalik ng taong mahal mo, Ay may mahal na palang iba. At ang worst malapit na silang ikasal. Tinanong ko naman sya e? Kung nakilala pa nya ako pero alam nyo kung anong sinagot saken. Wala akong kilalang babae na isang katulad mo. "You're like a whore, and slut" Yan na ata ang pinaka masakit na salitang narinig ko sa tanang buhay ko.