Tutol si Maxine na tanggapin si Jom Vargas bilang store manager ng fast food na pinagsososyohan nila ng pinsan niya. Masyado itong gwapo. Magiging distraction lang ito. Magkakagulo ang mga babaeng crew nila. Napatunayan niyang tama siya, dahil kahit siya mismo ay nagulo kay Jom! Ang kaso DEAD-ma ang beauty niya sa supladong binata. Until she saw her chance to be close to him. Pinakiusapan siya ng ina ng binata na tulungan itong maka-move on sa pagkawala ng kasintahan nito. Tinanggap niya ang alok sa pag-aakalang makakatulong siya dito. Dahil gusto rin niyang makalimutan ang kabiguang naranasan niya noon. Sa pagpasok niya sa buhay ni Jom hindi niya inaasahan na hindi magiging madali ang sitwasyong pinasukan niya, dahil nagising na lang siya isang araw na mahal na niya ito. Lalo pang nahulog ng husto ang loob niya dito, ng halikan siya nito. Ngunit kung akala niya ay pareho sila ng nararamdaman sa isa't-isa ay nagkakamali siya. Nawalang parang bula ang lahat ng pag-asa niya ng malaman niya mula kay Jom ang dahilan kung bakit hinalikan siya nito.