"There is nothing in this world but change." , gasgas na kasabihan man, pero totoo at malalim ang ibig sabihin.
Change, pagba-bago..... bakit nga ba kailangan pa nito sa buhay? Hindi ba pwedeng constant na lang ang lahat? Hindi ba pwedeng forever na lang ganun o ganito ang mga pangya-yari sa buhay natin?
Pero ang buhay daw kung walang nagba-bago, ay hindi na masaya. Kailangan pa rin ng "ups and downs". Kung sa cardiac monitor, kapag nag-straight na yung line, patay ka na.
Pero kasabay nito ,ay ang pag-dating din ng mga taong magiging dahilan para mang-yari o mai-sakatuparan ang mga pagba-bagong ito.
Ang magiging katanungan na lang ay kung handa ka ba para sa pagba-bagong ito?
O mas gu-gustuhin mo na lang manatili sa kung ano ka ngayon at isarado ang buhay mo sa pagba-bago maaring mag-dala sayo sa kaligayahang pangarap mo?