Si Kenneth ay isang matinong lalaki na mapili sa mga babae. Ayaw na ayaw niya sa mga babaeng maarte at spoiled brat. Pero paano kung makilala niya si Stacy na sobrang arte at spoiled brat anong gagawin niya? Si Stacy ay isang maarte at spoiled brat na dalaga. Lumaki kasi siyang nasusunod lahat ng gusto niya. Nag-aral sa Malaysia at nang nakatapos siya ay pinilit siya ng ama niyang umuwi upang mamahala. Hate na hate niya ang mga lalaki dahil para sa kanya ang lahat ng lalaki ay pare-parehong manloloko. Pero paano kung dahil sa isang aksidente ay makilala niya si Kenneth na maarte din at ayaw sa tulad niya? Paano aandar ang kanilang love story? Tara at sundan natin ang kwento nila.....