Every girl's dream: Makatapos ng pag-aaral, magkaroon ng maayos na trabaho. Magkaroon ng kotse, magandang bahay at higit sa lahat makapag asawa ng guy na magmamatch sa "Mr Dream Guy" na meron ng mga traits and looks na binuo nya sa utak nya. Nabuo sa utak nya mula ng araw na magkacrush sya (puwedeng si crush ang basis nya) or simula nung manood sya ng korean drama (syempre no.1 - singkit at maputi, tapos may jaw-dropping-smile (literal) or simula nang mabuo ang Pinoy Boy Band, Hashtag sa Showtime or mga Baes ng Eat Bulaga. Typical na pangarap. Predictable. Pero ako (Alisa) di ganyan ang pangarap ko... Gusto ko when I reach my 25 years of age, milyonarya na ako! Yun lang. Wala akong pake sa mga lalaki (and never na sila ang gagawin ko na stepping stone para yumaman!) Yuck! Wala akong pake sa mga artista. (Tao lang din yan no.. nangungulangot din!) Wala akong ideal na bahay or kotse, kahit milyonarya na ako, okay lang sakin kahit sa simpleng bahay, at magttraysikel pa din ako. Bakit ba? Basta gusto ko lang, marami akong pera... Pera! Pera! Pera! Hay, pera.. Asan ka na nga ba?