"HANGGANG DITO NALANG TAYO" Ni: Ryan Baring Paano ko tatapusin kung hindi ko kayang simulan? Paano ko sisimulan kung ayaw ko nang balikan Balikan ang kahapong nagdaan At kausapin ka sa normal na paraan. Kausapin ka na walang ilangan Kausapin ka na walang iwasan At higit sa lahat kausapin ka ng walang taguan. Taguan dahil sa pareho tayong naguguluhan Naguguluhan sa damdaming hindi natin alam Naguguluhan sa damdaming sana hindi nalang. Yung pagkakaibigan natin sa maikling panahon Matatapos lang din pala sa maling pagkakataon Tutuldukan ng maling emosyon At puputulin ng maling desisyon. Desisyong naging mali Dahil ikaw ang napili Desisyong maling mali Dahil ako mismo ang pumili. Mahal kita Ngunit hindi sa paraang nais mo Mahal kita Sa paraang alam ko. Pwede bang ibalik natin yung dati? Yung dating walang iwanan at walang ilangan Yung dating walang iwanan at walang iyakan. Sa madaling salita........ Pwede bang manatili tayong makaibigan At ibaling sa iba ang ating nararamdaman Dalawang kahilingan lang sana, sana'y iyong pagbigyan Nang sa gayo'y matapos na ang sakit na pareho nating nararamdaman. Sakit na nararamdaman mo Sakit na nararamdaman ko Pwede bang lagyan ng hangganan ito ? Pwede bang hanggang dito nalang ang IKAW AT AKO Hangganan sa salitang MAGKAIBIGAN LANG TAYO. 😭