21 parts Ongoing Aria, isang dalagang mahilig sa pagpipinta, mas pinipiling mabuhay sa mundo ng kanyang mga kulay at canvas kaysa sa ingay ng realidad. Sa bawat stroke ng kanyang brush, nakahanap siya ng kapayapaan hanggang sa isang araw, ang imahen ng bagong transferee sa klase nila, si Nathan, ay kusa na lamang lumitaw sa kanyang obra.
Tahimik. Mailap. Parang walang pakialam sa paligid si Nathan ang tipo ng lalaking mahirap abutin. Pero sa bawat titig niya sa labas ng bintana at sa bawat bigat ng kanyang mga mata, mas lalo siyang nagiging palaisipan kay Aria.
Hanggang sa isang iglap, mahuli siyang ni Nathan mismo pinipinta ang kanyang mukha.
Isang simpleng pagkakatuklas na magbabago sa takbo ng buhay nilang dalawa.
Mauunawaan ba ni Nathan ang damdamin sa likod ng mga kulay ni Aria?
O mananatili siyang isang misteryong hindi kailanman maisusulat sa canvas ng dalaga?
Isang kwento ng sining, katahimikan, at damdaming unti-unting nagiging mas malinaw kaysa sa anumang pintura.