Mga tulang aking nilikha,
Mga tulang may tugma at talinghaga,
Mga tula tungkol sa kalikasan at sa ating bayan,
Tula tungkol sa iba't-ibang klase ng pagmamahalan.
Merong mga hugot na patama
Na tatagos sa'yong puso't kaluluwa,
Mga pangyayari sa buhay,
Dito nakalagay.
Sa larangan ng tula,
Ako'y baguhan pa.
'Wag husgahan,
'Pagkat ako'y nagaaral pa...
Ating basahin,
Ating mahalin,
Ating suportahan,
Para ang mga tulang ito ay matuklasan,
Matuklasan ng mga tao sa ating bayan.
#Deio