Sa Mundo Ng Engkantadya🍃✔💯
12 parts Complete Ako nga pala si Jp, isa akong manunulat. Sa totoo lang.. Hindi ko naman pinangarap ang maging writer. Ang hilig ko lang ay mangarap ng gising. Kaso ang isip ko malayo ang nararating, naglalakbay kung saan saang dako ng mundo.
Mula noong bata pa kasi ako, marami na akong karanasang kakaiba.. Yun bang may mga nakikita ako na hindi nakikita ng iba. Kumbaga malakas ang pakiramdam ko sa mga mahiwagang nilalang. Parati rin akong nananaginip na tila sa ganung paraan kinokonekta nila ako sa kanilang mundo. At ang lahat ng pangyayari ay parang totoo.
Sa sobrang koryosidad ko sa mga napapanaginipan kong mga engkanto. Naglalakbay ako at kung saan saang lugar na nakakarating. Diko inakala ng isang gabing kabilugan ng buwan. Habang pauwi nako samin at napadaan sa kakahuyan, may narinig akong malamyos na boses ng babaeng umaawit.
Ako'y napahanga sa boses nyang tila may mahika, lalo na ng masilayan kong kanyang anyo na napakaganda. At ng sinabi nyang kanyang pangalan, ako'y natulala. Isa daw syang Diwata, ng kahariang Umbra... na matatagpuan sa mundo ng Engkantadya.
Sya si Diwatang Ayana, na pinangarap kong makasama.. Hinanap ko sa kagubatan ang daan patungo sa mundo nila. At dahil sa isang aksidenteng napaupo ako sa isang putol na puno para magpahinga. Nahati yun sa gitna at hinila ako ng malakas na pwersa patungo sa mundong mahiwaga.
Sa mundo ng Engkantadya biglang nagbago ang buhay ko, masyado akong naaliw sa ganda ng kapaligiran at sa mga Engkantong nakakasalamuha ko. May mga Dwende, Sirena, Shokoy, Anghel, Bampira at kahit na nga mga lmpakta, na ang iba ay naging kaibigan ko na.
Halika, kaibigan!... Samahan mo akong lakbayin ng ating diwa at imahinasyon ang mahiwagang mundo ni Ayana. Kilalanin rin natin ang mga Engkantong malapit sa kanya. At higit sa lahat ating tuklasin ang taglay nyang mahika...
💃MahikaNiAyana
- Photos from deviant art / Pinterest -