Tindera ako ng Korean beauty products sa Divisoria. Tao lang din naman ako, takot sa Chinese landlord ng shopping mall na si Maki Reyes kapag singilan ng renta. Pinapalayas niya ang walang pambayad, beast mode sa janitor kapag may daga sa building niya, at malupit sa tenants na may maduming tindahan.
Biglang nahimatay si Maki-umuwi sa comatose. Ang diagnosis: heat stroke. Pero ang totoo, ginapos ang kaluluwa ni Maki sa kamay ko. Walang tanggalan, parang pinosasan kami ng pulis. Humiwalay ang kaluluwa sa katawan niya. Gulat ako. May kaluluwa pala ang terroristang Chinese na 'to?
Kahit saan ako pumunta, bitbit ko si Maki Reyes. Simula noon, hindi na ako pwede maligo, and go poopie! Kasama ko siya sa lahat ng hakbang, eksena, kahihiyan, lungkot, at saya. Para siyang anino na imposibleng takasan. As a survival instinct, we became friends.
I am Jaira Geronimo, promising to bring this terrorist back to his body. Kaya bakit ganoon na lang ang pagtutol ko sa kaisipan na balang araw, babalik siya sa katawan niya at iiwan ako sa sulok ng pader, forever alone?