Pagmamahal at Pamamaalam"
Isa, dalawa, tatlo
Halina't sabayan mo ako
Sa pagbibilang ng numero
Dahil ako'y natutuliro
Apat, lima, anim
Bakit biglang dumilim?
Na animo'y kumilimlim
Maging ating damdamin
Dati'y akala ko may "sparks" tayo
"Sparks" na sinasabi ng mga tao
Na ito raw ay yung kilig na nararamdaman
Ng dalawang taong tunay na nagmamahalan
"Sparks" yun ang akala ko
Pero bakit parang "electric circuit" lang ito
"Electric circuit" na saglit lang ang kislap
Na para bang saglit na pagkurap
Habang inaalala ko yung mga nagdaan
Ako'y natutuwa na lang ng biglaan
Dahil ikaw ang pinagmumulan
Ng aking kasiyahan
Ngunit kasabay ng pagkatuwa ko
Bigla namang sumabay ang sakit nito
Sakit, sakit dito sa puso ko
Na kung saan naka ukit ang larawan mo
Masasayang alaala, habang kasama ka
Sadyang napakagandang tanawin diba?
Ikaw at ako, tayong dalawa
Ang magkasama sa hirap at ginhawa
Ito'y halimbawa ng magandang alaala
Na pwedeng baunin saan ka man magpunta
Ngunit ang magandang panaginip
Ay bangungot ang naging kalakip
Sa bawat pag ngiti ay napalitan ng pag simangot
Ang bawat saya ay napalitan ng lungkot
Ang bawat "mahal kita" ay natapos sa "tama na, di ko na kaya"
At ang ating pagmamahalan ay humantong sa pamamaalam.