TREZ ORDONEZ: THE UNMARRIED WIDOW
5 parts Ongoing MatureUno, dos, trez...
Ganito ang araw-araw na schedule ni Cleopatrez sa barrio kung saan siya payapang naninirahan kasama ang nag-iisa niyang anak at kapatid. Abala siya sa bawat araw dahil siya lang ang kumakayod para sa ikabubuhay nilang tatlo. Pero kontento naman siya.
Hanggang isang hapon, habang namimitas sila ng kapatid niya ng mangga sa likod ng kubo, natanaw niya ang pagkalaglag ng bituin sa himpapawid. Mapamahiin siyang babae kaya agad siyang pumikit para umusal ng hiling na sana may biyayang malalaglag sa tahanan nila.
Ang kaso, pagdilat niya, hindi grasya ang nahulog mula sa langit at sinalo ng kaniyang palda, kundi isang lalaki. Nalito siya. Biyaya ang hiningi niya hindi sakit ng ulo. Ano ang gagawin niya sa lalaki?