Ang aklat na ito ay koleksyon ng tatlumpung tulang inaalay ko sa iba't ibang taong naging mahalagang bahagi ng aking karanasan bilang makata o kaya'y sa mga personipikasyon. Ang mga tulang ito ay naisulat ko lang nang biglaan, habang kumakain, naglalakad, namamahinga, nagdadasal o nag-iisip. Ang mga ito'y tila isang sigwang biglang dumarating at malakas na bumubuhos.
Nilalayon ng aklat na ito ang pagtataguyod ng tradisyunal at klasikal na uri ng panulaan bilang mahalagang bahagi ng kalinangan ng lipunan at kulturang Pilipino.
(PAALALA: Ang aklat na ito, Sigwa, ay protektado ng copyright registration mula sa National Library of the Philippines (Copyright Registration No. O2018-4488). Walang anumang bahagi ng aklat na ito ang dapat kopyahin o ilimbag sa anumang uri nang walang pahintulot ng may-akda, si Lee B. Calaguan, ayon sa nasasaad sa batas. Ito ay reserbado sa lahat ng karapatan.)
Purihin si Hesus at si Maria ngayon at magpakailanman.