Meet Veronica Amore Ortega, ang cold at suplada na dalaga nang 2018. Siya may napabilang sa napakasikat na angkan nang mga musikero nang Pilipinas, hindi niya ito pansin dahil para sa kaniya walang kwenta ang musika kung hindi lang rin naman ito maririnig nang kanyang ama.
Pero paano kung sa pinaka-espisyal na araw nang kanilang angkan, magaganap ang hindi inaasahang pangyayari na makapagbabago sa buhay ni Veronica,
Siya ay babalik sa panahon kung saan matututunan niya ang importansya nang musika sa kanilang angkan at kung paano nito hinimuk ang mga pilipino para ipaglaban ang kanilang kalayaan,
At sa panahong ito, makikilala niya rin ang anak nang gobernador-heneral nang Pilipinas na si Miguel Primo de Rivera,
Ano kaya ang magiging takbo nang buhay ni Veronica? Possible ba siya ay iibig sa isang matipunong espanyol sa panahon nang 1880?
Atin nang tuklasin ang unang kanta nang pag-ibig, ni Veronica
Date Started: 10/02/2018
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos