''BES''
  • WpView
    مقروء 34
  • WpVote
    صوت 0
  • WpPart
    فصول 1
WpMetadataReadمستمرّة<5 min
WpMetadataNoticeآخر تحديث: ثلاثاء, أكتـ ٢, ٢٠١٨
"BES" Bes, naaalala nyo pa ba? Kung saan tayo unang nagkakilala? Kung paano tayo pinagtagpo ng tadhana? At kung gaano kasaya kapag tayo ay sama-sama. Bes, naaalala nyo pa ba? Yung mga ngiting minsan nating pinagsaluhan Mga tawanan at biruan na ang hirap kalimutan Mga araw na sana wala na lang katapusan Bes, naaalala nyo pa ba? Nung panahon na kayo ay mga sawi? Puso ninyo'y puno ng pighati Dahil sa mga gago at manlolokong lalaki Bes, natatandaan nyo pa ba? Siguro hindi nyo na naaalala Kasi wala na tayong panahon para sa isa't isa Ni magchat man lang o text hindi na natin magawa Bes, naaalala nyo pa ba ako? Naaalala nyo pa ba ang dating tayo? Tayo na unti-unti ng nagbabago Na parang bula bigla na lang naglaho Pilit sinasambit ng aking isipan Na baka busy lang kayo sa ibang bagay Baka may iba lang kayong pinagkakaabalahan O baka naman wala na akong parte sa inyong buhay? Bes, sa oras na makahanap ka na ng bagong kaibigan Pwede bang wag mo 'kong kalilimutan? Lalo na yung ating pinagsamahan Kasi ako, umulan man O umaraw hinding hindi ko kayo iiwan Hinding hindi ko kakalimutan yung mga araw na minsan nating pinagsaluhan Mga ala-ala na ang sarap balik balikan Mga pangako at plano para sa ating kinabukasan Sabi nyo pa titira tayo sa iisang bahay At doon maninirahan ng magandang buhay Mga bes, salamat sa mga masasayang ala-ala Ala-ala na babaunin ko hanggang sa aking pagtanda Salamat dahil binigyan nyo ng kulay, Ang masalimuot kong buhay Hindi man perpekto ang ating pagkakaibigan May mga tampuhan man at 'di pagkakaintindihan Hindi pa rin nito matitibag ang ating samahan Dahil ang ating pagkakaibigan ay pangmatagalan. -ayumi igarashi
جميع الحقوق محفوظة
#192
arielle
WpChevronRight
انضم إلى أكبر مجتمع لرواية القصص في العالماحصل على توصيات قصص مخصّصة، احفظ قصصك المفضلة في مكتبتك، وقم بالتعليق والتصويت لتنمية مجتمعك.
رسم توضيحيّ

قد تعجبك أيضاً

  • Tell Me You Love Me Too
  • Yours Forcefully
  • My First Love
  • LET ME HATE YOU
  • Win her heart (Completed:TAEHYUNG BTS)
  • PAUBAYA
  • Luminaria
  • My Missing Puzzle Piece

Umpisa pa lang alam ko sa sarili ko na hindi mo naman susuklian ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo. Una pa lang alam ko ng kapatid lang ang tingin mo sa akin habang sa kaniya tingin mo ay magiging asawa at maging nanay ng mga anak mo. Alam ko. Sa umpisa pa lang alam na alam ko. Pero kahit totoong alam ko sa sarili ko ang bagay na 'yan. Mas pinili kong magbulagbulagan kasi akala ko makikita mo din ako, hindi bilang kaibigan o kapatid kundi bilang isang babae. Akala ko sa paglipas ng panahon ay matututunan mo din akong mahalin at piliin kahit pa iniwan ka niya. Akala ko mapapalitan ko siya sa puso mo. Ngunit sa paglipas ng panahon. Mas lalong maging malinaw ang lahat. Naging sobrang linaw na hindi na kayang maging bulag bulagan. Hindi ko maiwasang mag tanong kung anong mali sa sarili ko. Ako naman yung nandito sa tabi mo pero bakit hindi ako? Bakit kahit wala na siya ay kalaban ko pa din siya diyan sa puso mo? Bakit kahit wala na siya ay kahati ko pa din siya sa diyan sa atensyon mo? Bakit... Bakit hinihintay mo pa din siyang bumalik sa'yo?

تفاصيل إضافية
WpActionLinkإرشادات المحتوى