Prologue College.. "Hoy sungit naka kunot nanaman noo mo HAHAHAHA" Tapos titignan lang nya ko pabalik. Ganyan sya eh nakaka asar napaka snobbero nung lalaki na yon palibhasa gwapo. Ni minsan sa buhay ko di ko nakitang ngumiti yon eh ni hindi ko pa nga naririnig yung tawa non eh pano ubod ng sungit! Araw araw ganun. Babatiin ko sya pag nagkaka salubong kami sa hallway. Tapos lagi din ganun titignan lang nya ko pabalik.. Actually nakakatakot sya tumingin pano ang talim lagi ng tingin nya parang mangangain HAHAHAHA. Kasama ko sya sa campus journ mga writer kami ng school namin parehas kaming sports writer and isa pa yung kaklase ko best friend nya kaya ayun dun ko sya nakilala at unang napansin. Siya nga pala si Mr. Sungit ay este si Vince. Sikat sya sa school namin aside sa matalino sya eh ayon gwapo din. Sa pag kaka alam ko nililigawan nya yung sikat din na girl sa school namin. She's so beautiful bagay sila. Di naman sa nag hahangad ako pero ayun na nga may gusto din ako sa kanya. Sino ba naman ang hindi magkaka gusto sa isang kagaya nya. Btw ako nga pala si Jianne. Im just a no one. He's my star pero never nya kong napansin.. Pero sana. Sana kahit isang ngiti lang masaya na ko..
15 parts