Dear V, Maaga akong nagising kaninang umaga, excited, eh. Isinuot ko 'yong kulay purple ko na dress, 'yong may ribbon. Brinaid din ni Mama 'yong buhok ko. Ang ganda nga, eh. Dumating sila Misha at Cleng. Pati ang mga pinsan at Tito, Tita ko. Pati sila Jay at ang barkada. Masaya, maraming handa. Nagkakatuwaan akming lahat. Kaso lang...bakit hindi ka dumating? Hinintay kita, alam mo ba? Natunaw na ang kandila sa cake ko hindi ka pa rin dumarating. Nag promise ka diba? Pero bakit...ako na lang ang umaasa sa pangako na 'yon? Three years na...wala ka pa? P.S. Mahal kita, kailan ka ba darating? Love LilacAll Rights Reserved
1 part