Makamisa: Ang Paghahari ng Kasakiman
  • Reads 11
  • Votes 0
  • Parts 2
  • Reads 11
  • Votes 0
  • Parts 2
Ongoing, First published Oct 04, 2018
Mature
Sa muling pagbabalik ng Il Secularis, muli silang maghahasik ng karahasan katulad ng karahasang ginawa nila noong pinatay ang kanilang idolo at pinaslang ang kanilang pinuno mahigit isang siglo na ang nakakalipas. Upang mapadali ang kanilang plano, kanilang kinidnap ang Presidente, kasama ng isa sa mga apo sa tuhod ng unang pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo at tinangkang kitilin ang mga buhay nito kapag hindi naibalik ang librong ninakaw ni Aguinaldo sa kanilang pinuno.

Sa pangyayaring ito, ipinatawag ng gobyerno si Philip Sangreal upang tumulong sa paghahanap sa kinidnap na Presidente. Ang paghahanap na ito ay isinagawa sa pangunguna ng Bise Presidente na siyang tutulong kay Philip, kung saan kasama nito ang NCRPO Chief at mga myembro ng Philippine  Army sa paghahanap sa nawawalang pangulo at sa apo ng dating pangulo.

Sa kalagitnaan ng kanilang paghahanap, madidiskubre ni Philip ang isang katotohanan na kapag naisiwalat ay maaaring maging katapusan ng kasaysayan ng Pilipinas.
All Rights Reserved
Sign up to add Makamisa: Ang Paghahari ng Kasakiman to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Penultima cover

Penultima

10 parts Ongoing

Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos