Sa hallway ng lockers sila palaging nagkakasalubong- ang nerd na may salamin at libro sa kamay, at ang troublemaker na laging may pasaway na ngiti at black jacket. Magkaibang mundo. Magkaibang ugali. Pero iisa ang siguradong pareho sa kanila- lagi silang nagbabanggaan, literal at emosyonal. Siya, ang tipo ng lalaking naniniwala na lahat ng problema ay may solution. At siya, ang babaeng naniniwala na rules are made to be broken. Sa bawat sagutan, sa bawat irapan, akala ng lahat-puro inis at away lang. Pero hindi nila alam, sa likod ng formulas at suntok ng mga titig, may unti-unting nabubuong damdamin na hindi kayang i-solve ng kahit anong equation. At doon magsisimula ang pinakamahirap na problemang kailanman ay susuungin nila: ang problemang tinatawag na... feelings.
More details