"Be mine, whether you like it or you like it." Ito ang kahuli-hulihang sinabi ng binata bago niya nilisan ang lugar na iyon. Susukatin niya kung hanggang saan ang tapang at pagmamatigas ni Ana na tanggapin ang kanyang alok na maging girlfriend nito. Sino ba namang tangang babae ang papayag kung isang antiptiko, mayabang at babaerong lalaki na katulad niya ang nobyo mo?