Para kay Primo, hindi hadlang ang pag-iisa niya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay-matataas na mga pangarap. Wala namang imposible, 'di ba? Ika nga nila, kung mangangarap ka ay lubusin mo na, dahil wala namang mawawala. Subalit paano kung ang isa sa mga pinangarap niya ay nasa kanya na? Isang pangarap na sa sobrang taas, hindi niya kayang tapatan. Sa sobrang tayog, para sa kanya ay kailangan niya pang tumingala upang tingnan. Ngunit sa sobrang hirap, masakit dahil natanto niyang hindi para sa kanya ang pangarap na matagal niyang hiniling.. Kaya kanyang binitiwan at sinukuan. (Inspired by THE HOWS OF US)