Si Paul Torrero, Sepulturero.
  • Reads 723
  • Votes 289
  • Parts 11
  • Reads 723
  • Votes 289
  • Parts 11
Ongoing, First published Oct 06, 2018
"Ayayay... Tingnan mo ang ginawa mo sa batang ito, Gasupt, naihi at naipot na sa salawal."

          Sambit ng isang malamig na tinig na akala mo'y pinaghalo ang lahat ng malalambot at malumanay na tunog ng isang buong orchestra.

          "He! Eh kung ganyan lang pala yan kahina eh mabuting patayin na natin kaagad. Mamamatay lang yan sooner or later."

          Saad naman ng isang napakaliksing boses na tila baga'y dama mo ang araw at ang sigasig ng buhay habang pinapakinggan.

          "I-I think gising na siya. Laro, tigilan mo na ang pag-guhit sa mukha nya."

          Galing naman iyon sa isang kaibig-ibig na tinig. Tinig na kung para sa akin ay nagdadala ng di malirip at walang ampat na kuryusidad.

          "Sige Agham, kuryentehin mo nang magising kaagad, lalabas muna ako at mamimili ng makakain."

          Teka, kilala ko ang boses na yun ah!

          Bago ko pa man maisayos ang aking diwa ay nagulantang ako at dagling nangisay.

...

          "Aha! Pag kinuryente mo pala ang tulog, maiihi sila!" 'yung curious na tinig.

          "Yuck! Pang-ilang beses mo nang naihi sa salawal mo yan? Ang baho mo!" 'yung energetic na boses.

          Nilingon-lingon ko ang paligid ko upang makita 'yung mga nagsasalitang bata nguni't wala akong makita.

          "Anong hinahanap mo? Andito kami oh... Up here!" 'yung mala-musikang tinig.

          Tumingala naman ako at sa pagkamangha'y nabulalas ko ang pinakaunang pumasok sa isip ko.

          "Tinkerbell?"

          "Ano kamo?!" silang tatlo.

          At tatlong maliliit na kamao ang sabay na dumapo sa mukha ko.
All Rights Reserved
Sign up to add Si Paul Torrero, Sepulturero. to your library and receive updates
or
#97zombies
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Wake Up, Dreamers cover

Wake Up, Dreamers

33 parts Complete

When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can happen. Even the impossible. ***** College student Molly Lazuli's dream was always to become a writer. But since her parents never supported that calling, she worked towards an Engineering degree instead. When she winds up in a Humanities course, she is befriended by a fellow classmate, Cole Manzano, who convinces her to team up with him on creating a major project for the finals. Together, they recruit other members: John Garnet Sucgang, who also happens to be Molly's secret crush who is also a painter; Jasper Tupas, a gay actor and poet; and Alexa, a moody musician. Together the group embarks on a journey that not only has them creating a documentary of their lives' triumphs and tragedies, but also makes them realize the true meaning of friendship, acceptance, and what it takes to make their dreams come true. #Wattys2019 Winner Filipino Readers Choice Award 2022 Winner (Young Adult Category) DISCLAIMER: This story is written in Taglish.