Minsan talaga kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kaniya. Aayusin mo ang 'yong sarili para mapansin ka niya, Babaguhin mo ang lahat nang nakasanayan na dahil 'yun ang gusto niya at higit sa lahat ay kaya mong balewalain ang mga desisyon mo para ipakita lang sa kaniya kung gaano mo siya kamahal. Dahil ganito ako. Nang dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya ay naging t+nga na ako sa pag-ibig. Hindi ko na naisip pa ang maaaring maging kabayaran sa lahat ng pagkakamali ko. Naging bulag ako at sunod-sunuran para lang masuklian ang natatanging pagmamahal ko sa kaniya. Ako si Althea Gonzalez at ito ang aking kwento. 12-04-18/06-02-19- (Completed) May 10-2024 (Editing)