THE LAST BEAT OF MY HEART Anong gagawin mo kung isang araw sinabi sa iyo na, Malapit na ang oras mo? Na maaring ano mang araw ay bigla nalang tumigil ang tibok ng Puso na mag huhudyat ng katapusan mo. Paano mo gugugulin ang mga nalalabi mong araw, oras, minuto o segundo na may roon ka. Paano mo hihintayin ang kamatayan? Mag paparty kaba, kasa ang mga malalapit mong kaibigan? Mag lalaan ng oras sa mga maliliit na bagay na dati mong hindi pinapansin? Mag di-Dinner kasama ang pamilya at kaanak? At sasabihin sa kanila ang mga hindi mo pa nasabi. Hahanap kaba ng taong mag papaligaya sayo sa nalalabi mong mga oras? O Mag mumukmok ka sa loob ng kwarto at iintayin ang iyong katapusan. Mahirap ang bigla nalang malaman na hindi kana pwedeng mabuhay ng matagal. Masakit sa damdamin at nakaka lungkot. Pero eto din ang paraan para kahit sa maikling pag kakataon masulit natin ang natitirang panahon natin na buhay pa tayo. para makasama ang ating mga mahal sa buhay. Kaibigan . Asawa, Anak, Kapatid, Nanay/Tatay, Boyfriend/Girlfriend. Dahil kahit sandali nalang ang natitira sa buhay ng isang tao. Napag kakasya nya iyon para maiparamdam sa mga taong mahal nya kung gaano sya nag papasalamat dahil tinanggap sya at minahal ng Buo. at sa huling tibok ng kanyang puso taos puso syang nag papasalamat sa mga ito. ***(Ang storyang ito ay likha lamang ng malikot na imahinasyon ng may akda ang mga Tauhan, Lugar at Kaganapan ay pawang kathang isip lamang at hindi nangyari o naganap sa totoong buhay. Ang ano mang pag kakahalingtulad ng mga ito sa tunay na Tao, Lugar, Pangyayari o Ibang Istorya ay hindi sinasadya at hindi ninais na mangyari. Sapagkat ang Istoryang ito ay Gawa- gawa lamang.)*** {Ang pangongopya at pag gaya ng sulat ng iba ay isang krimen at pinapatawan ng pag kakakulong.}
16 parts