Si Red ay isang tipikal na mag-aaral. Hilig niyang mag-isip, magsulat, kumanta, at tumugtog ng gitara. Ang kanyang mga suliranin sa pag-ibig, buhay-pamilya, at pag-aaral ay hindi nalalayo sa iba. Gusto niyang magpari, pero kailangan niya munang maranasang magmahal at mahalin, bago siya pumasok sa kumbento.
Matutupad kaya niya ang kanyang pangarap, gayong dalawang babae ang magmamahal sa kanya? Sino kina Riz at Dindee ang magiging first love niya?
Kaya, tayo na't subaybayan ang kanyang araw-araw na sulatin. Mai-inlove kayo, kikiligin at mai-inspire sa kanya.
High school pa lang ay academic rival na ang turing ni Dylan kay Yno, ang taong hadlang sa mga inaasam niyang academic achievements. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya ito kayang lamangan. Hanggang sa tuluyan na nga silang gumraduate at nagcollege. Mabuti nalang at hindi na sila pareho ng pinapasukang university. Finally their rivalry had come to an end.
Ngunit nang dahil sa SK Election, muli na namang umusbong ang rivalry na unti-unti na sana niyang kinalimutan. Ngayon, makikipagtuos ulit siya sa lalaking matagal na niyang sinusubukang pataubin- only this time, fate won't let it happen without a twist.