Sa mundo ng 'Delthoria', iba't ibang uri ng mga nilalang ang naninirahan kasama ang kanilang mga kakayahan at kapangyarihan. Mayroong walong imperyo na kilala sa mundong ito. Una, ang "Svetlina"- hawak nila ang kapangyarihan ng liwanag. Pangalawa, ang "Temno"- hawak nila ang kapangyarihan ng kadiliman. Ikatlo, ang "Ogan"- hawak nila ang kapangyarihan ng apoy. Ikaapat, ang "Voda"- hawak nila ang kapangyarihan ng tubig. Ikalima, ang "Vozduh"- hawak nila ang kapangyarihan ng hangin. Ikaanim, ang "Zemjata"- hawak nila ang kapangyarihan ng lupa. Ikapito, ang "Samovila"- ang mga engkanto o fairy. Ikawalo, ang "Volsevnik"- ang mga wizard. Ang mga nilalang ng Delthoria ay namumuhay nang payapa ngunit lahat ay nabago nang maitayo ng kahariang Temno ang digmaan laban sa pitong imperyo. Ngunit hindi sila nanalo. Ang kaharian ng Temno ay nawala at napunta sa Abbadon, kung saan nabubuhay ang lahat ng uri ng masasamang nilalang. Walang nakakaalam kung ano ang kanilang mga dahilan. Ang tanging bagay na alam nila ay ang Hari at Reyna ng kaharian ng Temno ay sapat na sakim upang kuhanin ang awtoridad at kapangyarihan ng bawat imperyo. Ngunit bago sila hinatulan sa Abbadon, nanumpa sila na sila ay babalik at maghihiganti.
20 parts