Ako si Mary Kleine Esguerra. Third year high. Gusto ko lang ikwento sa inyo ang magulong buhay pag-ibig ko, chos! haha.. Ang hirap pala mainlove sa taong akala mo may gusto sa iyo, pero hindi pala? pero parang oo na hindi? E, basta magulo talaga buhay pag-ibig ko. Nagsimula lang naman ito nung unang pasukan ng third year. Habang introduce yourself portion palang kami napukaw na ang atensyon ko sa lalaking iyon. Gwapo kasi, malakas ang dating at tahimik lang. Sa tatlong taon ko sa high school e, hindi ko pa siya nagiging kaklase. Ni hindi ko nga alam na bago ba siya dito o hindi. "Hi. I'm Ace Justin Guevarra, former 2-B section." Now I know matagal na siya dito. 2-A kasi ako nung last year, na late kasi ako magenroll kaya naubusan ako ng slot sa 3-A ngayon kaya napunta ako dito sa 3-B pero ayos lang kalat kasi MGA oo mga kaibigan ko kaya di ako nalulungkot may mga kaibigan at dating classmate din naman ako dito. Lumipas ang isang buwan. Unti-unti ko na ata siya nagugustuhan. Pero malas lang ata kasi simula ng pasukan ay hindi pa kami nakakapagusap nalipat na ako ng upuan napunta na ako sa likod at siya sa harapan. Lagi lang ako panakaw tingin sa kanya mula dito sa likod puro likod din ang nakikita ko sa kanya. Psh! Should I stop this or should I continue secretly loving him?All Rights Reserved