8 Days, 8 Friends, 1 Goal.
Ito ang objective ng grupo ni Lizzy, ang magkaroon ng masayang alaala kasama ang kanyang mga kaibigan sa huling natitira nilang bakasyon na magkakasama ngunit, habang sila ay masayang nagsasama-sama at nagbabakasyon, may isang pangyayari ang di nila inaasahan. Bawat oras ng kanilang paggising ay paulit-ulit nilang ginagawa ang activities na ginawa na nila dati pa, na para bang nakakulong sila sa paulit-ulit na oras, paulit-ulit na araw at paulit-ulit na gawain. Ito ang kanilang parusa, ito ang kanilang kasalanan, magiging matatag pa rin ba ang pagkakaibigan nila sa lahat ng sekreto na malalaman nila sa loob ng 8 days? Paano sila makakalaya sa 8 araw na paulit-ulit na patterns ng buhay nila?
Si Callista dayton ay isang normal na dalaga, pero magbabago ang lahat ng 'yon nang maisipan ng kanyang mga magulang na ipasok siya sa 'di kilalang paaralan.
Paaralang walang kahit ano mang pag kakakilanlan, pwedeng pumatay at paaralang itinatago sa karamihan, Pinamumunuan pa ng mga baliw na tao.
Anong gagawin mo pag malaman mong kilala mo ang siyang nagpapatakbo sa impyernong ito? Kakayanin mo ba lahat ng malalaman at matutuklasan mo?
Kontratang buhay mo ang bayad dalawa lang ang maari mong pag-pilian, mamatay ka o lalaban ka para mabuhay?
Si Tyler hawkins ang binatang mysteryuso at presidente ng buong paaralan. Dati na siyang nabigo sa pag-ibig dahil din sa paaralang ito, pero paano kung dumating na ang pag-ibig na matagal niya ng hinihintay sa katauhan ni callista.
Pagmamahal na ipinagbabawal.
Tingin mo ano kaya ang magiging takbo ng kwentong ito? at paano ito magtatapos? sa masayang pag-mamahalan o sa madugo at masakit na katapusan?
@Demonyong manunulat.
Mystery/trill/romance
All Rights Reserved 2021