"Sarangani Bay Festival na. Ano kayang susuotin ko?" Uso two-piece niyan, for sure. "Sarangani Bay Festival na. Saan kaya ako matutulog nito?" Pwedeng magtent o hindi matulog at all. At the end of the day, sure ako di niyo na malalaman kung saan hihilata mga katawan niyo. "Sarangani Bay Festival na. May ka date ka na ba?" Ako? Wala. At kelangan bang may ka-date talaga? Di naman ata ah. Ano ba yang fest na yan, Valentine's Day? Duh. Pwedeng magflight solo, open naman ang festival kahit kanino. Yang mga katanungang yan ang madalas kong marinig sa mga school mates ko - mga babae in particular, at madalas kong makita sa fb, twitter, at iba pang social networking sites. Mga babae talaga, andaming kaartehang nalalaman. Babae rin ako, pero di ako ganito. Ngunit.... May katanungan namang di mawala sa isipan ko.. "Sarangani Bay Festival na, naka move on na ba ako?"