Ako si Zion. Ako yung babaeng ordinaryo. Hindi ako matino at palakaibigan pero hindi din ako masungit at isnabera. Okay-Okay scratch that! Masungit ako at isnabera. Yung tipong lalapit kapalang aatras kana dahil sa malamig kong mga mata. Ako yung tipo ng tao na sanay mag isa kapag nasa paaralan na. Ayoko lang kasing ma involve ulit sa ibang tao. Dahil kahit na sabihing kasama ko sila, di ko padin maramdaman ang tunay nilang presensiya kaya sinanay ko na ang sarili ko na tumira sa mundong ako lang mag isa. Sinanay ko ang sarili kong mamuhay na walang paki alam sa iba dahil ganun naman ang ipinaparamdam nila. Gumawa ako ng sarili kong mundo Gumawa ako ng malaking wall sa pagitan ng 'Sila' at 'Ako' Gumawa ako ng paraan para maprotektahan ang sarili ko sa mga taong nasa paligid ko kaya kahit mga inosenteng tao na nagnanais maging kaibigan ako ay ipinagtabuyan ko. Ganyan siguro ako ka G*go, pero anong magagawa ko? Yun na ang nakasanayan ko. MAAYOS NA sana ang takbo ng buhay ko. Sanay na akong magisa sa mundo ko pero bigla itong magiging magulo. There comes this Man na pilit pinapabagsak ang matibay na pader na itinayo ko. Pilit niyang pinapasok ang buhay niya sa nananahimik kong mundo at bigla nalamang sasabihing 'I AM READY TO BE YOUR MAN' Would he be able to break the walls I built for so long? Sabay sabay nating subaybayan ang buhay pag-ibig ko.All Rights Reserved
1 part