Si HASSAN ang pumupuno at nabibigay ng init sa aking malamig na magdamag. Sa BAKALA ( store ) ko unang nakita si HASSAN. Tipikal na Arabo kung susuriin. Lampas anim na talampakan ang tangkad. Medyu slim ang pangangatwan. Naka sutana siya, ang tradisyunal nilang damit na mga Arabo. Kanina ko pa siya napapansing panay ang sulyap sa akin habang kami ay nasa loob ng bakala. Kapag nagtatama ang aming mga paningin ay ngingiti siya sa akin ng pagka tamis tamis. Hindi ko tuloy mapigilan ang mailang sa aking sarili. Pakiramdam ko sumasayad hanggang sahig ang aking mahaba at unat na buhok. Pagkalabas ko ng bakala, Hindi ko inaasahan makikita ko pa din si Hassan. Mistulang hinihintay niya talaga ako.All Rights Reserved
1 part