Matagal ng gusto ni Theo si Ara. Ngunit sa katorpehan niya, hindi niya pa rin nakakausap kailanman ang babae. Isang araw, napagtrip-an siya ng kanyang mga kaibigan, sinabi nila kay Ara na gusto nya ang EXO, paboritong boy group nito. Sa ganda ng ngiti na ipinukaw sa kanya ni Ara nung panahong 'yon, ano pa nga ba magagawa niya? Edi magpanggap na fanboy.