One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)
  • Reads 45,505
  • Votes 1,316
  • Parts 51
  • Reads 45,505
  • Votes 1,316
  • Parts 51
Complete, First published Oct 21, 2018
Mature
Naranasan niyo na bang sumakay sa Ferris wheel? 'Diba kapag sumakay ka dito ay medyo walang sigla ka pa dahil nasa ibaba ka pa lang? Ngunit kapag nagsimula na ang pag-andar at pag-akyat ng tsubibo ay nabubuo ang ating pagkasabik at kasiyahan. 

Doon maihahantulad ang buhay at buhay pag-ibig ni Ace. Nagmistulang malungkot ang pagsampa niya, ngunit halos nagbago ang lahat na may nakasabay siya. 

Kasabay ng pag-akyat ay ang pagsaya ng buhay ni Ace at nang marating ang tuktok ay pakiramdam na nasa alapaap ang huli pero kapag sumakay ka sa ferris wheel ay umiikot kaya 'pag narating mo na ang itaas ay awtomatik na ikaw ay bababa, ngunit isa sa pinakamasakit doon ay ang kasama niya sa pagtaas at nanatili sa itaas habang siya ay naiwang malungkot sa pagbaba. 

Pero parang buhay, maraming pagkakataon na animo'y tiket sa tsubibo. 

Muling sumakay sa ferris wheel/tadhana si Ace at lubos na ikinagulat nito ng mayroong sumabay sa kanya, ang tanging lalaking minahal at kinamuhian niya. Sa pag-andar ng tsubibo ay nanumbalik ang pakiramdam nila sa isa't-isa, ngunit andoon ang takot at pangamba na maari siyang maiwan muli na nag-iisa at malungkot o kasama parin niyang mananatili sa itaas o sabay din sila sa paglagapag sa ilalim. 

Ang pagbibigay ng isang pang pagkakataon ay parang sugal at walang mali doon, ang mali lang kapag ikaw ay nasobrahan sa paglalagay ng taya ng walang itinitira sa iyong sarili.

Isang huling oras ang kailangan sa tamang panahon, oras at tadhana para sa pagmamahal na tatagal ng pang habang buhay.
All Rights Reserved
Sign up to add One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy) to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
Sold to be loved [COMPLETED√] [EDITING] cover
Wag Mo Na Itanong, It's Complicated (boyxboy) cover
THE ANDROGYNOUS GAY AND THE BULLY (BOYXBOY) (COMPLETED) cover
In Love With The Game (COMPLETED) cover
Control The Game (COMPLETED) cover
Totally Captivated (BoyxBoy) cover
KaiSoo: Twisted Fate [MPreg] [BoyxBoy] cover
EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED] cover
I Will Still Love U, I Promise... (BoysLove) COMPLETED cover
Ang Holdaper at Ang Depressed na Graduating Student cover

Sold to be loved [COMPLETED√] [EDITING]

43 parts Complete

I am a boy or let's just say I adore boys. Yes you're right I am not straight and hindi ko naman po to ikinahihiya sa kahit na kanino sapagkat ito po talaga ang tunay na ako. Well alam ko naman po na kahit legal na ang same sex marriage sa bansa namin ay hindi parin ito assurance na makakaiwas na ako sa mga mapanghusgang tao sa paligid. Ngunit sa kabila ng lahat ay ipaglalaban ko na hindi mali ang pinili kong landas. Okay naman sana lahat kakayanin ko naman ang lahat ng pagsubok sa buhay pero bakit kailangan pang umabot sa ganito. Bakit nagawa akong ibenta ng daddy ko sa isang may kalakihang halaga. Hindi ba talaga ako naging blessing sa mga magulang ko kahit ni minsan man lang. Mahal na mahal ko sila kaya kahit masakit sa akin ang naging desisyon nila ay buong puso ko itong tatanggapin. Tanging hiling ko lang ay sana maging masaya sila sa desisyon nila. But, they say true love could hit you in millions of ways. Could this experience lead me to the man of my dreams? Could this be a blessing in pure disguise. Lalo na't may napagtanto akong hindi pangkaraniwang sakit or mas mabuti sigurong tawagin syang God's Gift. Ako po si Vin Rafael Torres at sabayan nyo po ako sa kwento kong ala magic carpet ride.