One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)

  • WpView
    Reads 46,803
  • WpVote
    Votes 1,318
  • WpPart
    Parts 51
WpMetadataReadMatureComplete Sun, May 24, 2020
WpInfo
Fiction
Romance
Naranasan niyo na bang sumakay sa Ferris wheel? 'Diba kapag sumakay ka dito ay medyo walang sigla ka pa dahil nasa ibaba ka pa lang? Ngunit kapag nagsimula na ang pag-andar at pag-akyat ng tsubibo ay nabubuo ang ating pagkasabik at kasiyahan. Doon maihahantulad ang buhay at buhay pag-ibig ni Ace. Nagmistulang malungkot ang pagsampa niya, ngunit halos nagbago ang lahat na may nakasabay siya. Kasabay ng pag-akyat ay ang pagsaya ng buhay ni Ace at nang marating ang tuktok ay pakiramdam na nasa alapaap ang huli pero kapag sumakay ka sa ferris wheel ay umiikot kaya 'pag narating mo na ang itaas ay awtomatik na ikaw ay bababa, ngunit isa sa pinakamasakit doon ay ang kasama niya sa pagtaas at nanatili sa itaas habang siya ay naiwang malungkot sa pagbaba. Pero parang buhay, maraming pagkakataon na animo'y tiket sa tsubibo. Muling sumakay sa ferris wheel/tadhana si Ace at lubos na ikinagulat nito ng mayroong sumabay sa kanya, ang tanging lalaking minahal at kinamuhian niya. Sa pag-andar ng tsubibo ay nanumbalik ang pakiramdam nila sa isa't-isa, ngunit andoon ang takot at pangamba na maari siyang maiwan muli na nag-iisa at malungkot o kasama parin niyang mananatili sa itaas o sabay din sila sa paglagapag sa ilalim. Ang pagbibigay ng isang pang pagkakataon ay parang sugal at walang mali doon, ang mali lang kapag ikaw ay nasobrahan sa paglalagay ng taya ng walang itinitira sa iyong sarili. Isang huling oras ang kailangan sa tamang panahon, oras at tadhana para sa pagmamahal na tatagal ng pang habang buhay.
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Fixing a Broken Heart [ COMPLETED! ]
  • How Can I Unlove You
  • LOVE STORY ( boyxboy ) Completed
  • Isa Pang Balang Araw (Another Someday)
  • Bawat Sandali (Completed)
  • "My Amazona" (COMPLETED)
  • My Twin Sister's Best friend (Lesbian Story)
  • Kailangan Kita (BL)
  • AS IF US
  • Never Fade

Minsan, kung kailan masaya na tayo at parang perpekto na lahat ay doon pa bigla-bigla na lamang dumarating ang mga problema. Ang buhay ay may hangganan, pero kaya mo namang mahalin ang isang tao kahit wala na siya, 'di ba? Ibig sabihin ba 'nun may forever? Pero sabi nga nila, walang permanente dito sa mundo. Teka? Pati ba sa pag-ibig angkop ito? Wala nga ba talagang forever? Paano kung may mahalagang tao na iwan ka? Paano kung ang pinakamamahal mong tao ay lokohin ka? Paano kung may taong handang kunin sa iyo ang lahat na mayroon ka? At paano kung isang araw ay malaman mong may sekreto pala sa pagkatao mo? Matatanggap mo ba? Kakayanin mo ba? Lalaban ka ba? O susuko ka nalang? Minsan ang pagsuko ay hindi nangangahulugang talo ka. Minsan kailangan nating sumuko lalo na kung alam nating tayo ay mahina na. Sumuko pero pansamantala lang. Para lang hanapin natin ang sarili natin at maging malakas tayong muli para lumaban at harapin sila. Some people leave..... some people changed. And some will never leave you kahit ipagtabuyan mo pa sila. At minsan, kailangang ikaw na mismo ang lumayo para hindi ka na masaktan pa. Halika at ating sundan ang panibagong mga kabanata sa buhay ng ating bida na si Lew.

More details
WpActionLinkContent Guidelines