Hindi mo aakalain na yung akala mong siya na ang para sayo ay iiwan ka din pala. Iniwan ka niya ng walang paalam. Iniwan ka niya na nakatulala. Iniwan ka niya at hindi mo matanggap. At Hanggang sa dumating ang araw na muli kayong nagkita. Matatanggap mo ba ang rason niya? Ang rason niya kung bakit ka niya iniwan noon. Kung bakit hindi niya nagawang manatili sa piling mo. Mapapatawad mo pa ba siya, Sa lahat nang nagawa niya sayo? Mapapatawa pa ba siya ng puso mo? Yung puso mong nadurog dahil sa pang iiwan niya sayo?