Si Minna ay isang tipikal na KPOP fan na nangangarap makita ng personal ang mga pinapantasya niyang KPOP Stars. 21 years old, fresh graduate sa kursong wag na nating alamin. At isa sa mga goals niya matapos grumaduate ay makatuntong sa lupang tinatapakan ng mga naggagwapuhan nilalang sa buhay niya. Saan pa nga ba, edi sa KOREA! Pero dahil nga bagong graduate palang siya at wala pa siyang trabaho, eh hanggang pangarap nalang muna yun. Hanggang sa dumating ang isang napakagandang pagkakataon na matatawag nating swerte sa buhay niya. Ano yun? Itanong natin kay Minna :)