A night of party, fun and drinks. Anong kasunod? Edi wedding vows!
WAIT— yun talaga? Agad agad? Di ba pwedeng friends muna bago kasal? Ang bilis ah!
Masaya na sana ang buhay ni Kris. Biruin mo, sa utak niyang yan, nakagraduate pa siya sa college? Tapos na ang kalbaryo niya sa mga walang katapusang thesis, projects at cramming sa semestral and board exams. Wala ng problema, trabaho nalang.
Well, she-ay he pala (Eh feeling niya lalaki siya eh) thought wrong.
Hindi naman niya alam na sa iisang pagkakamali niya, malaking katapat ang haharapin niya. Eh nakabasag lang naman siya ng salamin ng isang million-dollar ferrari ah? Hindi naman niya aakalaing imbis na ipakulong siya ng may-ari, nagpropose pa sa kanya! Baliw lang?
Pero dahil magbebenefit naman silang dalawa sa condition ng oh-so-hot-and-gorgeous na si Raphael Serrano, pumayag nalang siya. Sino bang may gustong makulong? Basta’t magpakasal siya kay Raphael, hindi siya makukulong, at makukuha ni Raphael ang manang inaasam asam niya. Ang tanong, kakayanin kaya niya? Ano nang mangyayari sa kanya?
Ready na ba siyang maging Mrs. Kristine Pereira-Serrano?
All Rights Reserved